^

Metro

Quezon City handa na sa bagsik ni ‘Rolly’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Quezon City handa na sa bagsik ni ‘Rolly’
Sa ginanap na pre-disaster risk assessment meeting ng QCDRRMC, napagkasunduan na ang USAR ay ilalagay sa mga lugar na madalas bahain kapag may kalamidad tulad ng Brgys. G. Araneta Avenue, Apolonio Samson, Tatalon, Sto. Domingo, at Del Monte.
The STAR/Boy Santos

QUEZON CITY, Philippines — Nakaposisyon na ang  Urban Search and Rescue (USAR) teams ng  Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC)  sa mga  critical areas bilang paghahanda sa inaasahang pananalanta ng bagyong Rolly.

Sa ginanap na  pre-disaster risk assessment meeting ng QCDRRMC, napagkasunduan na ang USAR ay ilalagay sa mga lugar na madalas bahain kapag may kalamidad tulad ng Brgys. G. Araneta Avenue, Apolonio Samson, Tatalon, Sto. Domingo, at Del Monte.

“With Typhoon ‘Rolly’ expected to carry winds between 165 kph to 185 kph, we deemed it best to put our rescue teams on ready and on standby in flood- and disaster-prone areas,” pahayag ni  DRRMO head Myke Marasigan.

Ang Social Services Development Department (SSDD) naman ay magde-deploy ng social workers at preposition soup kitchen at  relief goods  sa mga  evacuation centers na posibleng dagsain ng mga evacuees mula sa mga binabahang lugar sa QC.

Ang Quezon City Police District (QCPD), Department of Public Order and Safety (DPOS) at City General Services Department (GSD) ang aasiste naman para sa paghahatid sa mga maiistranded na evacuees dahil sa baha.

Ang Parks Development and Administration Department (PDAD) naman ay pinaputol na ang malalagong dahon sa mga puno na nasa pangunahing lansangan upang makaiwas sa aksidente at maiwasan na maapektuhan ang mga linya ng kuryente.

Pinayuhan ni QC Mayor Joy Belmonte ang mga barangay officials na sundin ang health protocols sa evacuation centers para matiyak ang kaligtasan ng mga evacuees at frontliners.

“Residents are advised to call our Hotline 122 and we will immediately address your emergency concerns,” pahayag ni Belmonte.

SSDD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with