P6.25 bilyong ilegal na droga, winasak na
Tugon sa kautusan ni Pangulong Dutetre
MANILA, Philippines — Nasa P6.25 bilyong ha-laga ng ilegal na droga ang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon sa Integrated Waste Management, Inc. sa Brgy. Aguado, Trece Martires City, Cavite.
Ayon kay PDEA Director General Wilkins M. Villanueva, ang pagsira sa kabuuang P6,245,761,547.81 halaga ng dangerous drugs, ay alinsunod sa kautusan ni Pang. Rodrigo Duterte na sirain na kaagad ang mga kontrabandong nakumpiska ng mga awtoridad sa kanilang mga operasyon upang hindi na ma-recycle ang mga ito.
Si Atty. Benedicto A. Malcontento, na Prosecutor Ge-neral ng Department of Justice National Prosecution Service, ang naging guest of honor at speaker sa natu-rang aktibidad, na sinaksihan din ng mga key officials ng PDEA, mga opisyal ng Brgy. Aguado, Trece Martires City, mga kinatawan ng Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies, Department of Justice (DOJ), Department of the Interior and Local Government (DILG), non-government organizations (NGOs), at media partners.
Nabatid na winasak sa pamamagitan ng thermal decomposition ang kabuuang 1,394 kilo at 2,273,935 ML ng mga assorted na drug evidence.
Ayon sa PDEA, ang thermal decomposition, o thermolysis, ay isang pamamaraan nang decomposition or pagsira ng mga kemikal sa pamamagitan ng init na aabot ng 1,000 degrees centigrade.
- Latest