^

Metro

2 pulis sa bawat barangay ikakasa

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang mas maging epektibo  ang implementasyon ng peace and order, magtatalaga ng dalawang pulis sa bawat barangay ang Philippine National Police (PNP) sa lahat ng  police assistance desk.

Ayon kay PNP Chief  Gen. Camilo Cascolan makakatulong ng mga barangay tanod ang mga pulis sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad.

Maaari ring maiwasan na maimpluwensiyahan ng New People’s Army (NPA) ang barangay dahil sa presensiya ng pulis.

Ang plano ay pagpapalawig ng umiiral ng “Pulis sa Barangay” program ng pambansang pulisya na sinimulan noong admi­nistrasyong Aquino, ngunit hindi naman nailatag nang husto dahil sa kakulangan ng pulis para sa higit 42,000 barangay sa bansa.

Dagdag ni Cascolan, tiwala siyang  mapapakinabangan na ang prog­rama lalo pa’t malaki ang suporta ng pamahalaan sa pulis.

Sa pamamagitan nito, tataas  din ang moral ng PNP.

PBP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with