^

Metro

10,000 kawani ng Makati City Hall binigyan ng libreng face masks at face shields

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinimulan nang ipamahagi ang libreng face masks at face shields sa halos 10,000 kawani ng pamahalaang lungsod ng Makati.

Ito’y alinsunod sa naging kautusan ni Mayor Abby Binay na bigyan ang regular, casual, contractual at job order na mga empleyado ng dalawang cloth face masks at isang face shield na magagamit nila bilang karagdagang proteksyon laban sa coronavirus.

Binigyang-diin ni Mayor Abby ang kahalagahan ng mga naturang gamit upang matiyak ang kaligtasan ng bawat manggagawa at kanilang mga kaopisina.

Bukod aniya sa pagpapanatiling COVID-free ang mga tanggapan sa City Hall, naisusulong din ang mas ligtas na paghahatid ng serbisyo sa mga residente at sa madla.

Dahil dito, hinimok ng alkalde ang mga empleyado na laging isuot ang face mask at face shield, na itinuturing na “essentials” sa pamumuhay ngayong panahon ng pandemya.

Bilang bahagi ng mga hakbang ng pamahalaang lungsod para sa manatiling malusog ang mga kawani at tuluy-tuloy ang serbisyo, nagbigay din ito ng libreng bakuna laban sa flu at pneumonia noong Agosto upang palakasin ang kanilang resistensya.

Namamahagi rin ito ng libreng vitamins tulad ng Vitamin C at B-complex sa mga kawaning patuloy na pumapasok sa trabaho, maging noong nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang buong Metro Manila.

MAKATI CITY HALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with