^

Metro

2,000 bike helmets, ipinamahagi ng Quezon City government

Janvic Mateo - Pilipino Star Ngayon
2,000 bike helmets, ipinamahagi ng Quezon City government
Pinangunahan ng department of public order and safety sa lungsod ang pamamahagi ng helmet sa mga bikers, kung saan prinayoridad ang mga senior citizen at mahihirap na travellers.

MANILA, Philippines — Namahagi ang pa­ma­halaang lungsod ng Quezon City ng may 2,000 bike helmets kaugnay sa ipapatupad na ordi­­nansa na ga­gawing mandatory ang pagsusuot ng helmet ng mga nagbibisikleta.

Pinangunahan ng department of public order and safety sa lungsod ang pamamahagi ng helmet sa mga bikers, kung saan prinayoridad ang mga senior citizen at mahihirap na travellers.

Magugunitang una nang inaprubahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang ordinansa na gawing mandatory ang pagsusuot ng helmet ng mga bike riders na dadaan o gagamit ng mga lansangan sa lungsod.

 Ngayong bahagi na ng new normal ang bisikleta, kailangan din naman na mabigyan ng proteksyon ang mga bike rider. Ang pagsusuot ng helmet ay makakatulong sa paglalakbay at ligtas na  masasapit ang kanilang mga destinasyon,” dagdag pa ni Belmonte.

Sa kabila na ang pagsusuot ng helmets sa bikers ay mandatory na sa ilalim ng Road Safety Ordinance, sinabi ng city council na may panga-ngailangan pa rin para magpatupad ng isa pang polisiya na mas magpapatindi sa paggamit ng helmets.

Ang mga mahuhu-ling walang suot na helmet habang bumabaybay sa mga lansangan sa lungsod ay pagmumultahin ng P1,000 sa unang paglabag, P3,000 sa ikalawa at P5,000 sa ikatlong paglabag.

 

HELMET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with