^

Metro

'Laude' graduates sa Pasig hanggang P30,000 ang cash incentive habang pandemya

Philstar.com
'Laude' graduates sa Pasig hanggang P30,000 ang cash incentive habang pandemya
Pamimigay ni Pasig Mayor City Vico Sotto ng hanggang P30,000 para sa mga iskolar ng lungsod na nagtapos nang may Latin Honors ngayong 2020, ika-30 ng Setyembre
Mula sa Facebook ni Vico Sotto

MANILA, Philippines — Libu-libong cash incentives ang iniabot ni Pasig City Mayor Vico Sotto ngayong araw, Miyerkules, sa mga iskolar ng lungsod na kapalit ng mahuhusay na grado sa kanilang pagtatapos nang may "Latin honors."

Tulad noong nakaraang taon, nabigyan ng P30,000 ang mga summa cum laude habang naambunan naman ng P25,000 ang mga magna cum laude. May P20,000 naman ang mga cum laude graduates.

"Eleven graduates received their incentives this morning," sambit ni Sotto sa isang paskil sa social media.

"Our scholars who haven't received it yet may still send their requirements to the Scholarship Office."

Inilunsad ang seremonyas ngayong ika-30 ng Setyembre habang sumusunod sa physical distancing at nakasuot ng face masks bilang pananggalang sa kinatatakutang coronavirus disease (COVID-19).

Unang isinagawa ni Sotto ang pamimigay ng naturang insentibo sa 110 city scholars noong Agosto 2019 para mabigyan ng dagdag motibasyon ang kabataan na pag-igihin ang kanilang pag-aaral.

Aniya, ginagawa ng Pasig ang naturang programa para lalong maibsan ang pinansyal na balakid sa kabataan para makapag-aral.

May kinalaman: 19 public colleges, universities gusto kaltasan ng pondo sa 2021; mambabatas nabahala

Hiling naman ni Sotto sa mga nakatanggap ng pabuya, ibalik ang kanilang serbisyo sa mga nagbabayad ng buwis sa siyang nagtawid ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo.

"[T]hey should also find ways to give back to the city... whether it is through their time, volunteer work, or even helping other students when they become financially capable," dagdag ng 31-anyos na alkalde.

Matatandaang tinapos ng bagitong mayor at anak nina Vic Sotto't Connie Reyes ang 27-taong paghahari ng pamilya Eusebio sa Lungsod ng Pasig noong nakaraang 2019 midterm elections. — James Relativo

vuukle comment

CASH INCENTIVES

NOVEL CORONAVIRUS

PASIG CITY

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with