Tanggalan ng empleyado sa LRT-1, hindi na tuloy
MANILA, Philippines — Hindi na magta-tanggal ng mga tauhan ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) na nangangasiwa sa Light Rail Transit 1 (LRT-1).
Ito ayon sa LRMC ay makaraang mangako ng suporta ang Department of Transportation sa kompanya para makahanap ng solusyon na susuporta sa mga empleyado ngayong panahon ng pandemic.
Una nang nagha-yag ang LRMC na magtatanggal ng 100 empleyado dahil sa pagbagsak ng kita dahil sa lockdown.
“While the factual basis behind the redundancy program remains legally valid, LRMC is putting it on hold, for now, to allow the company to recalibrate strategies and continue supporting team members and government partners as long as it can,” ayon sa LRMC.
Ayon sa LRMC, patuloy na pangangalagaan ang kapakanan at kaligtasan ng kanilang mga tauhan gayundin ang pagpapatindi ng ugnayan sa mga shareholders at pakikipag-usap sa pamahalaan para mapalakas ang kumpanya.
Ang sinasabing tatanggaling 100 tauhan ay pawang mga technicians at tellers o may 10 porsiyento ng LRT 1 total workforce epekti- bo September 15.
Iniulat din ng LRMC na isasailalim sa swab test ang mga tauhan mula August 14 hanggang 19 bilang bahagi ng paghahanda sa pagbabalik-serbisyo ng LRT 1 oras na matanggal na ang MECQ sa Metro Manila sa August 18.
- Latest