Talaan ng mga taga-Quezon City na COVID-19 patient, hingi sa mga ospital at laboratory
MANILA, Philippines — Upang mapabilis ang contact tracing efforts ng Quezon City government, hiniling ng lokal na pamahalaan sa lahat ng public at private hospitals gayundin sa mga laboratories na mag-submit ng talaan ng mga indibiduwal sa lungsod na nakumpirmang may Covid-19.
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, panahon na upang makiisa ang mga private at public health institutions para maisaayos ang data gathering at recording sa lungsod.
“When data is incomplete and reported late, the response of the city suffers. Adding more contact tracers and facilities is futile if the data is too poor to be of any use. Good and timely information is key to overcoming this disease,” pahayag ni Belmonte
May 100 representatives mula sa public at private hospitals, gayundin ng mga laboratories sa QC ang inatasang makipag-ugnayan sa City Health Department (CHD) at sa City’s Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) para dito.
Kaugnay nito, sinabi ni Dr. Rolly Cruz, head ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), ang talaan ay gagamitin nilang basehan sa pagmomonitor ng mga close contact ng mga probable at suspected COVID patients para agad maipaalam sa kanila na agad maihiwalay at agad magamot para hindi na makahawa pa.
- Latest