^

Metro

2 ostrich, nakitang pagala-gala sa Quezon City subdivision

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 ostrich, nakitang pagala-gala sa Quezon City subdivision
Sa isang video na ipinaskil sa Facebook ni Dino Rivera, na residente ng Mapayapa Village 3, makikita ang isa sa mga ostrich na tumatakbo sa pangunahing kalsada ng village.
Screengrab from a video posted on social media by resident Thomas Jarlego.

Sa unang araw ng MECQ sa Metro Manila

MANILA, Philippines — Dalawang ostrich ang nakawala at naispatang pagala-gala sa loob ng isang subdibisyon sa Quezon City, sa unang araw ng pag-iral muli ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila kahapon.

Sa isang video na ipinaskil sa Facebook ni Dino Rivera, na residente ng Mapayapa Village 3, makikita ang isa sa mga ostrich na tumatakbo sa pangunahing kalsada ng village. Ayon kay Rivera, ito ang unang pagkakataon na nakakita siya ng tumatakbong ostrich sa loob ng subdibisyon. “I have seen weird things in my life but this one ranks up there,” nakasaad pa sa post ni Rivera. Samantala, sinabi naman ng isa pang residente na si Gorgeous Umipig na nakita rin niya ang dalawang ostrich na tumatakbo sa kalsada.

Gayunman, ang isa pang ostrich ay hindi naman nakuhanan sa video na ipinaskil sa FB.

Upang hindi makalabas, isinara ng mga guwardiya ang gate ng subdibisyon at ibinaba ang mga barrier nito. “Hindi ka puwedeng lumabas, wala kang gate pass!” na narinig pang sinasabi sa video.

Kaagad din namang nahuli ng mga awtoridad ang mga naturang ostrich, na sinasabing pagmamay-ari ng isang residente na nakatira malapit din sa lugar.

MECQ

OSTRICH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with