^

Metro

Palengke, grocery dinumog ng mamimili

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Palengke, grocery dinumog ng mamimili
Dumagsa ang mga mamimili sa Blumentritt Market sa Maynila matapos ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na maisailalim muli sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila at karatig lalawigan nito simula ngayong araw hanggang Agosto 18.
Kuha ni Edd Gumban

Nabigla sa MECQ,nag-panic buying

MANILA, Philippines — Muling dinumog ang mga palengke at grocery kahapon ng umaga makaraang mag-anunsyo ka­makalawa ng gabi ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbabalik ng modified enhanced community quarantine sa Metro Manila at karatig lalawigan nito.

Mistulang kahit saang palengke ay dumagsa ang mamimili para mag-stock ng kanilang pagkain para sa dalawang linggong MECQ.

Simula sa araw na ito ay liimitahan muli ang paglabas ng bahay ng mga residente, tanging ang mga frontliners at isa sa bawat sambahayan ang dapat na lumabas ng bahay para bumili ng kanilang pangangailangan o kung sa may emergency cases.

Kakailangan muli ang quarantine pass kasabay nang pagsuspinde sa operasyon ng mga pampublikong sasakyan.

Nagdesisyon ang Pangulo na muling ibalik sa MECQ ang Metro Manila kasama ang lalawigan ng Bulacan, Laguna ,Cavite at Rizal dahil na rin sa kahilingin ng mga medical workers.

Ito ay dahil sa patuloy at mabilis na pagtaas ng bilang ng nagkaka-COVID partikular sa National Capital Region (NCR).

 

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with