^

Metro

Skeletal force muling ipinatupad sa Manila City Hall

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bilang pagtalima sa paglalagay sa Metro Manila sa modified enchanced community quarantine (MECQ), ipinag-utos ni Manila City Mayor Isko Moreno ang pagpapatupad ng ‘skeletal workforce’ sa Manila City Hall sa ilalim ng Executive Order No. 34, ipatutupad ang skeletal workforce sa tanggapan.

Ngunit ilan sa mga departamento ay mananatili sa full operation maliban sa mga nakatalaga sa opisina.  Kabilang sa mga tanggapang ito ang: Manila Health Department , including North and South Cemeteries; lahat ng city hospitals maliban sa Ospital ng Maynila; Manila Disaster Risk Reduction Management Office; Manila Department of Social Welfare; Manila Traffic and Parking Bureau; Veterinary Inspection Board at Market Administration Office. 

Lahat ng opisina na hindi nabanggit ay kailangang magpatupad naman ng ‘work from home alternative work arrangement’. Kabilang sa nasa WFH ay ang mga empleyado nila na senior citizen, PWDs, buntis, at mga nasa edad 21-pababa.

Sinabi ni Moreno na kailangang tiyakin ang walang humpay na operasyon ng lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng pangunahing serbisyo sa kanilang nasasakupan ngunit kailangan ding ba­lansehin at proteksyunan ang kalusugan ng mga opisyal at tauhan ng Manila City Hall.       

“The Head of Office shall ensure that payroll officer and clerk in charge in the preparation and processing of payroll shall be required to report for a certain time to ensure that salaries of officials and employees are released on time,” pagtitiyak ni Moreno.

MANILA CITY HALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with