^

Metro

MRT-7, 59% nang kumpleto-DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
MRT-7, 59% nang kumpleto-DOTr
Ayon sa DOTr, Agosto, 2001 nang unang isumite ang MRT-7 Unsolicited Proposal sa noon ay Department of Transportation and Communications (DOTC) pa, at Agosto 2008 naman nang mangyari ang MRT-7 Concession Agreement Signing.
The STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Halos 59 porsiyento na ang completion rate ng konstruksiyon ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7).

Ito ang inianunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) sa kanilang Facebook account.

Ayon sa DOTr,  Agosto, 2001 nang unang isumite ang MRT-7 Unsolicited Proposal sa noon ay Department of Transportation and Communications (DOTC) pa, at Agosto 2008 naman nang mangyari ang MRT-7 Concession Agreement Signing.

Gayunman, inabot pa ng 20 taon bago naumpisahanang aktuwal na konstruksyon ng proyekto.

Ayon sa DOTr, 58.95 porsiyento nang kumpleto ang 22-km rail line at target nilang makumpleto ito sa 2022.

Sa sandaling matapos na ang MRT-7, inaasahan na ang biyahe mula North Avenue sa Quezon City hanggang sa San Jose Del Monte, Bulacan ay aabutin na lang ng 35-minuto mula sa kasalukuyang dalawa hanggang tatlong oras.

MRT7

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with