^

Metro

5 barangay sa Malabon, 1 sa caloocan naka-lockdown

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
5 barangay sa Malabon, 1 sa caloocan naka-lockdown
Ito’y matapos na aprubahan ng Malabon City Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases ang rekomendasyon ng pagsasailalim sa community quarantine ng Brgy. Tañong, Longos, Potrero, Tugatog, at Tonsuya sa loob ng 15 araw.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Limang barangay sa Malabon City ang isinailalim sa lockdown simula ngayon na magtatagal hanggang Hulyo 30, 2020.

Ito’y matapos na aprubahan ng Malabon City Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (MCTF-MEID) ang rekomendasyon ng pagsasailalim sa community quarantine ng Brgy. Tañong, Longos, Potrero, Tugatog, at Tonsuya sa loob ng 15 araw.

Nabatid na isasara ang bahagi ng P. Concepcion at Tumariz sa Brgy. Tugatog; University Avenue Extension and Guava Street sa Brgy. Potrero; 1st, 2nd, 3rd, 4th Street at C4 Road sa Brgy. Tañong; Gozon Letre at Phase 1 sa Brgy. Tonsuya at Block 14 A at Block 14 C sa Brgy. Longos.

Ipagbabawal ang paglabas ng mga residente sa kanilang tahanan sa mga naturang lugar, maliban sa mga Authorized Persons Outside Residence o APOR tulad ng mga medical at healthworkers, at iba pang essential workers.

Makikipagtulungan ang lokal na pamahalaan ng Malabon sa Philippine National Police, barangay officials at volunteers upang masigurong masusunod ang safety protocols sa lugar at maayos na maipatutupad ang lockdown.

Mangunguna naman ang mga opisyal at kawani ng barangay para punan ang pangangailangan ng mga residenteng maaapektuhan ng localized community quarantine.

Samantala, isang linggo naman ang ipinatupad na lockdown sa Brgy. 38 sa Caloocan na nagsimula noong Lunes ng madaling araw at matatapos sa Hulyo 20.

LOCKDOWN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with