Metro Manila mayors inirekomenda ang pananatili ng GCQ
Dahil sa mataas pa ring kaso ng COVID
MANILA, Philippines — Nais ng mga alkalde na bumubuo sa Metro Manila Council (MMC) na manatili ang Kamaynilaan sa general community quarantine (GCQ) kasunod sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa rehiyon.
“Doon po sa pagmi-meeting namin ang consensus po ng karamihan ng ating Metro Manila mayors ay extended po ‘yong GCQ. ‘Yan po ‘yong consensus ng bawat isa sa amin,” ayon kay Metro Manila Council chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez sa isang panayam sa radyo.
Nilinaw naman ng opisyal na magkakaroon ng kaunting pagbabago sa ipinatutupad na GCQ upang bigyang-daan ang pagbubukas ng ekonomiya nang hindi isinasakripisyo ang health protocols.
“Hybrid GCQ na mayroon pong kaunting bubuksan para naman po magkaroon ng hanapbuhay at ekonomiya ang atin pong Metro Manila,” paliwanag pa ni Olivarez.
“Pinag-aaralan pa ng IATF kung paano po ‘yong pagbubukas ng economy without sacrificing ‘yong ating health protocols. Hindi puwedeng i-prejudice ang ating health protocols dahil alam naman natin na dumadami ang ating cases dito sa buong NCR,” dagdag ni Olivarez.
Gayunman, mananatili anya sa 10% ng seating capacity ang papayagan sa mga religious gathering.
“Alam naman po natin na hirap na hirap po ating commuters eh. Kulang na kulang po ang ating public utility vehicles so ‘yan pa po ‘yong pagdadagdag ng pagbubukas ng ating mga public utility vehicles over NCR,” saad pa ng alkalde.
- Latest