^

Metro

Religious gatherings ok na sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Religious gatherings ok na sa Quezon City
Ang hakbang ay inanunsyo ng QC government nang payagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases ang pagsasagawa ng religious activities sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine na may 10 percent ng seating capacity.
Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Pwede na simula kahapon ang pagsasagawa ng religious activities sa lungsod Quezon pero sa ilalim ng mga mahigpit na safety measures upang maiwasan ang community transmission ng COVID-19.

Ang hakbang ay inanunsyo ng QC government nang payagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF) ang pagsasagawa ng religious activities sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) na may 10 percent ng seating capacity.

Sa pinalabas na me­morandum ni Mayor Joy Belmonte, sinabi nitong kinikilala ng lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng pananampalataya at relihiyon ng mga Pilipino kaya’t naipatupad ang hakbang sa panahon ng pandemic.

Ilan sa paghihigpit ng QC government ay ang pagpayag lamang na makapunta sa anumang religious gatherings ang mga nasa edad mula 21 hanggang 59 years old.

Ang mga wala pang 21-anyos at 60 years old pataas lalo na kung may immunodeficiency, comorbidity, o iba pang health risks at ang mga buntis ay hindi muna pinapayagan.

“Proper social distancing must also be strictly exercised in all religious venues and if any religious practice necessitates the removal of the face mask or face covering, this shall be done quickly and put back in place immediately,” dagdag ni Belmonte.

Kailangan ding magkaroon ng isang entrance at exit lamang sa lugar at kailangang may thermal scanning pagpasok ng pasilidad at hand sanitizing pagpasok at paglabas ng gusali.

Ang indibidwal na lalampas sa 37.5 degrees celsius ang temperatura ay hindi papayagang pumasok sa venue at dapat ma-isolate agad at suriin ng barangay o health center.

Hinimok din ni ­Belmo­nte ang mga dadalo sa ­alinmang religous gathe­ring na maghugas lagi ng kamay at magkaroon ng regular disinfection sa mga hinahawakang bagay sa loob ng pasilidad tulad ng  door handles, microphones, tables at upuan.

Ipinag-utos din ni Belmonte sa lahat ng barangay chairmen, QC Police District at sa Law and Order Cluster na magtulungan na matiyak na sinusunod ang mga paghihigpit ng lokal na pamahalaan sa alinmang religious gathering sa kanilang nasasakupan.

GCQ

RELIGIOUS GATHERINGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with