‘No sa jeepney phase-out,’ muling inihirit ng transport groups
MANILA, Philippines — Muling nanawagan sa pamahalaan ang transport groups sa pangunguna ng Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Drivers Nationwide (Piston) na huwag nang ituloy ang jeepney phase-out sa bansa.
Ang panawagan ng grupo ay ginawa nang magpahayag ng suporta sa no-jeepney phase out sina Senador Grace Poe at Rep. Edgar Erice dahil hindi napapanahon ang hakbang sa dahilang madami ang mawawalan ng hanapbuhay lalo na ngayong may pandemic.
Sinasabi rin ng mga mambabatas na dagdag pahirap sa mataas na bilang ng mga commuters kung aalisin ang mga jeep sa kalsada.
Kaugnay nito, nanawagan sa iba pang mambabatas si Mody Floranda, Pangulo ng Piston na suportahan din ang no-jeepney phase out at bigyang daan na ang pagbabalik pasada sa mga pampasaherong jeep.
Anya, dapat nang magbalik pasada ang mga traditional jeepney drivers dahil mag-aapat na buwan na silang walang pasada kaya’t hirap na hirap silang itaguyod ang kanilang mga pamilya dahil walang ikinabubuhay dulot ng pandemic.
- Latest