^

Metro

Hotels at motels sa Maynila na nagpatuloy ng health workers may tax credit

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Hotels at motels sa Maynila na nagpatuloy ng health workers may tax credit

MANILA, Philippines — Bibigyan ni Manila City Mayor Isko Moreno ng P100,000 tax credit ang bawat hotel at motel na nagpatuloy ng libre sa mga health workers ngayong panahon ng pandemya.

Ito ay makaraang pirmahan ni Domagoso ang City Ordinance No. 8646 na naglalayong bigyan ng tax relief ang mga establisimentong ito.  Maaari umano itong ipatupad alinman sa lokal na buwis, regulatory fees at service fees kasama na ang mga surcharge at mga penalty.

“The herein tax cre-dit worth P100,000 may be claimed within a period of three years from the enactment of this ordinance,” ayon sa ordi­nansa.

Matatandaan na unang nagpalabas si Domagoso ng Executive Order No. 17 na ina­a­tasan ang mga hotels at motels na magbigay ng libreng lodging para sa mga health workers sa lungsod para hindi na mahirapan sa pagpasok sa mga pagamutan dulot ng kakulangan ng ma-sasakyan nitong panahon ng quarantine.

Sa datos ng Bureau of Permits, higit sa 1,000 healthcare workers ang nabigyan naman ng libreng matutuluyan ma-tapos ang utos ng alkal­de.

TAX CREDIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with