Curfew sa Pasay, pinaiksi
MANILA, Philippines — Upang maibalik ang sigla ng mga negosyo at ekonomiya, nagpasa ng ordinansa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasay para ibalik sa alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw ang pinaiiral na curfew hours sa siyudad.
Sa ilalim ng City Ordinance No. 6114 na ipinasa nitong Hunyo 19 at pinirmahan ni Mayor Emi Calixto-Rubiano, inilagay na sa alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw ang curfew hours sa lungsod.
Ito ay buhat sa ipinatupad na alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw sa kasagsagan ng ‘enhanced community quarantine (ECQ)’ sa Metro Manila.
Ang pagbabago ay para matulungan ang mga negosyo na makabawi makaraang maraming establisimyento ang labis na naapektuhan dahil sa pandemya lalo na ang mga nasa negosyo ng pagkain at retail.
“We still have to observe health guidelines even as we stretch the number of operating hours for our local businesses as well as the travel time window for our city’s working population and those on important errands,” paalala ng alkalde.
- Latest