^

Metro

Pagpapalipad ng saranggola sa Maynila, bawal na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagpapalipad ng saranggola sa Maynila, bawal na
Ang mga pinalipad na saranggola na sumabit at nagkabuhol-buhol sa kawad ng kuryente sa may Capulong St. sa Tondo, Maynila dahilan para tuluyang ipagbawal ang pagpapalipad nito sa Maynila na nagsasanhi ng mga sunog.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Ipinagbabawal na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagpapalipad ng saranggola dahil umano sa nagiging sanhi ng dumaraming kaso ng sunog at iba pang uri ng aksidente.

“Sa kadahilanang napakarami na­ming natatanggap na report at reklamo tungkol sa mga problemang idinudulot nang pagsasaranggola, minabuti na lang naming na magbigay ng direktiba na ipagbawal na ang pagpapalipad ng saranggola sa kalakhang Maynila,” saad sa memorandum ng City Government.

Ang memorandum ay inilabas at pirmado ni Manila Barangay Bureau Offi­cer in Charge Director Romeo Bagay para ipatupad ng lahat ng barangay officials.
Ipinaliwanag sa memo na madalas na nagiging sanhi ng sunog ang pagpulupot ng pisi ng saranggola sa mga kawad ng kuryente. Sa ganito ring pagkakataon, maaari ring makuryente ang nagpapalipad ng saranggola.

Nagdudulot din ng aksidente ang saranggola dahil kadalasang pumupulupot ang pisi nito sa mga nakamotor, bisikleta o maging sa mga naglalakad lamang.

Bukod dito, dagdag kalat din anila ang saranggola na naiiwang nakasabit sa mga poste o mga bahay na hindi magandang tanawin sa lungsod.

SARANGGOLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with