Online payment, inilunsad ng Makati City LGU
MANILA, Philippines — Para sa mas ligtas at mas maginhawang pagbabayad ng buwis, naglunsad ang Makati City Government ng ‘online payment portal’ para hindi na kailangan pang lumabas ng bahay o opisina para sa financial transactions sa City Hall.
“Since Metro Manila has shifted to general community quarantine (GCQ), this process ensures that Makatizens can complete their financial transactions with City Hall without having to leave their homes and offices. As much as possible, we also want to minimize the number of people going to the City Hall in order to prevent the spread of COVID 19,” ani Mayor Abby Binay.
Upang matuto kung paano, may step-by-step guide na makikita sa official Facebook page na “My Makati” para bisitahin ang www.makationlinepayments.com.
Maaari ring magbayad sa pamamagitan ng GCash bank transfer feature sa pamamagitan ng pagpapadala ng payments sa City Government of Makati account number 003452-1008-85.
Gayunman, para sa babayarin sa first quarter at delinquent payments, business owners at residente, kailangang na mai-settle na ang kanilang tax obligations sa City Hall mula alas- 8:00 ng umaga hanggang alas -2:00 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.
Ang deadline sa pagbabayad ng business at real property taxes ay sa Hunyo 25, 2020. Sa mga magbabayad ng real property tax bago o sa mismong deadline ay may 5 porsyentong diskuwento.
Sinabi ni Mayor Abby na tuloy lang hanggang sa mga susunod pang buwan ang online payment portal para matiyak ang kaligtasan at maayos na pagbabayad ng buwis.
- Latest