^

Metro

Number coding suspendido pa rin - MMDA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Number coding suspendido pa rin - MMDA
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago, “until further notice” ang pagpapaliban ng number coding bunsod ng limitadong operasyon ng public transportation sa Metro Manila.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Mananatiling suspendido ang Unified Vehicular Volume Reduction Program o number coding scheme.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago, “until further notice” ang pagpapaliban ng number coding bunsod ng limitadong operasyon ng public transportation sa Metro Manila.

Paliwanag naman ni MMDA General Manager Jojo Garcia, ‘di pa naman aniya masikip ang daloy ng trapiko dahil sa umiiral na general community qua­rantine at bilang tulong na rin sa publiko na payagan muna ang pagbiyahe kahit coding ang kanilang mga sasakyan.

Ngayong limitado pa ang public transportation, hahayaan muna na magamit ng mga pribadong sasakyan ang kalsada hangga’t maluwag pa nang hindi nangangamba na sila ay mahuli.

Kung mas maluwag at walang number coding, mas magaan sa publiko na magtungo sa ibang lugar, lalo na sa mga nagtatrabaho.

NUMBER CODING SCHEME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with