^

Metro

Total lockdown sa Baranggay 12 sa Caloocan City pinalawig

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Total lockdown sa Baranggay 12 sa Caloocan City pinalawig
Sa huling datos mula sa City Heath Department, nasa 49 residente na mula sa Barangay 12 ang nagpositibo sa virus at nangangahulugan na sa kasalukuyan ay ang barangay na ito na ang may pinakamataas na kaso sa Caloocan City.
Geremy Pintolo, file

MANILA, Philippines  — Pinalawig pa ng Caloocan City Health Department ang  total lockdown sa Barangay 12 hanggang Mayo 30 dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 dito.

Sa huling datos mula sa City Heath Department, nasa 49 residente na mula sa Barangay 12 ang nagpositibo sa virus at nangangahulugan na sa kasalukuyan ay ang barangay na ito na ang may pinakamataas na kaso sa  Caloocan City.

Habang nasa ilalim ng total lockdown ang barangay ay patuloy ang isinasagawang pagpaprayoridad sa mass testing at contact tracing sa mga residente sa lugar upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Tinitiyak din ni Mayor Oca Malapitan na ang Pamahalaang Lungsod ay house-to-house na namimigay ng relief packs para sa suplay ng pagkain ng mga residente.

OCA MALAPITAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with