PUJs, tricycles bawal gawing service sa magbabalik trabahong manggagawa
MANILA, Philippines — Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga tricycle at jeepney bilang service ng mga kompanya para sa kanilang manggagawang magbabalik trabaho sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ito ang sinabi kahapon ni Joint Task Force Covid-19 Shield Chief Pol. Lt. Gen Guillermo Eleazar.
“If we allow it po, it will open the gates for abuse. Mahihirapan po tayo sa enforcement.” ani Eleazar
Giit pa ni Eleazar na pinapayagan tumawid ang mga workers ng nagtatrabaho sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine area patungong MECQ basta may maipakitang work ID at nakalagay dito kung saan sila nakatira.
Sa ilalim ng MECQ, muling magbubukas ang ilang kompanya at mga establisemento at dapat mag-provide ang mga ito ng shuttle service para sa kanilang mga manggagawa.
- Latest