^

Metro

Residente sa mga eksklusibong subdibisyon sa Makati, pasok din sa P5K cash aid

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Residente sa mga eksklusibong subdibisyon sa Makati, pasok din sa P5K cash aid
Uumpisahan na ipamigay ng Pamahalaang Lungsod ng Makati ang ayuda sa darating na Biyernes sa pamamagitan ng kanilang “Makatizen cards”.
STAR/ Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ni Makati City Mayor Abigail Binay ang mga residente sa mga ­eksklusibong subdibis­yon sa lungsod na kuwalipikado rin umano para sa P5,000 tulong-pinansyal sa kabila ng nakakataas na estado nila sa buhay.

Ikinatwiran ni Binay na nagbabayad din ng buwis ang mga residente sa mayayamang village.

Bagama’t hindi tiyak kung kukunin nga ng mayayamang pamilya ang P5,000 ayuda, maaari rin namang mag-aplay dito ang mga kasambahay na nakatira sa naturang mga subdibisyon.

Uumpisahan na ipamigay ng Pamahalaang Lungsod ng Makati ang ayuda sa darating na Biyernes sa pamamagitan ng kanilang “Makatizen cards”.

Ang mga walang card na nakatira sa lungsod ay maaari pa ring mag-aplay para sa financial assistance sa pamamagitan ng pagtungo sa Makati Web Portal, mobile application ng lungsod o sa mga forms na mahihingi sa mga barangay halls.  Matatanggap ang pera sa pamamagitan ng GCash application.

Nilinaw ng alkalde na hindi kailangang mag-unahan ang mga taga-Makati sa pag-aaplay dahil sa lahat umano ay makatatanggap ng cash aid dahil sa na-assess na umano ang mga kuwalipikado at nabilang ang dami ng maaaring makatanggap ng ayuda.

Aabot sa P2.7 bil­yon ang inilaang pondo ng lokal na pamahalaan sa programa kaya kailangan lamang ng pasensya ng mga residente sa paghihintay ng kanilang cash aid.

ABIGAIL BINAY

GCASH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with