^

Metro

Hard lockdown sa Tondo, inilarga

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Hard lockdown sa Tondo, inilarga
Inumpisahan ito dakong alas-5 kahapon ng madaling araw at magtatapos alas-5:00 ng madaling araw sa Martes.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Sinimulan na kahapon ng madaling araw ang 48-oras na ‘hard lockdown’ sa District 1 ng Tondo sa Maynila upang makapagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng mga programa para maampat ang paglobo ng dinadapuan ng coronavirus disease 2019.

Inumpisahan ito dakong alas-5 kahapon ng madaling araw at magtatapos alas-5:00 ng madaling araw sa Martes.
“Kapag ikaw ay naging matino at talagang sinusunod niyo ‘yung social distan­cing, and ‘yung quarantine and other protocols. We will open your barangay. Discipline must be put in the right place,” ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Habang nasa lockdown, bawal lumabas ang mga residente sa kani-kanilang bahay maliban sa mga frontliners at mga opisyal ng barangay habang bawal din magbukas ang mga negosyo sa loob ng 48-oras.

Aabot sa 1,200 tauhan ng Manila Police District ang ikinalat sa iba’t ibang parte ng Tondo. Sinabi ni MPD Director PBGen Rolando Miranda na bagama’t magiging mahigpit sila sa pagpapatupad nito, magkakaroon pa rin sila ng maximum tolerance sa mga mahuhuling lalabag sa lockdown.

Makaraang ipatupad ang hard lockdown, nasa 176 vio­lators na agad ang dinampot ng mga pulis dakong ala-1:44 kahapon ng hapon.  Nasa 70 sa bilang ay buhat lamang sa Barangay 105.

Nitong Mayo 2, nasa 735 kaso ng COVID ang naitala sa Maynila kung saan 573 ang aktibo. Nasa 102 sa aktibong kaso ang naitala sa Tondo 1.

HARD LOCKDOWN

TONDO 1

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with