Extension ng ECQ sa Caloocan posible
MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan na posibleng palawigin pa sa lunsod ang Enhanced Community Quarantine dahil sa mga naitatalang kaso araw-araw.
Ayon kay Malapitan, pinakikiramdaman pa niya kung kailangan palawigin pa ang ECQ sa lunsod na nakatakdang matapos sa Mayo 15. Noong Sabado, nakapagtala ang Caloocan ng 204 kaso ng coronavirus disease 2019.
“Kung kailangan i-extend, mae-extend... Sa amin, every day, dumadagdag ‘yung nagpo-positive. Pinakikiramdaman ko, gaya ng IATF,” ani Malapitan.
Tiniyak ni Malapitan na tuluy-tuloy ang ayuda ng lungsod sa lahat ng pamilya dahil ang lahat ay apektado ng COVID 19.
Samantala, sinabi naman ni Engr. Jay Bernardo, hepe ng Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM) at City Environment Management Office (CEMO), na ipamamahagi na ng lokal na pamahalaan ang P500 cash allowance para sa higit 6,000 estudyante sa Barangay Deparo.
- Latest