^

Metro

Mga subdibisyon, di maaaring gumawa ng sariling panuntunan sa lockdown

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi maaaring gumawa ng sariling panuntunan sa COVID lockdown ang mga subdibisyon at sa halip ay dapat pa ring tumalima sa mga guidelines na ipinatutupad ng inter-agency task force (IATF) hinggil dito.

Ang pahayag ay ginawa ni Interior Secretary Eduardo Año kasunod ng naganap na pag-aresto ng isang pulis sa isang dayuhan sa loob ng Dasmariñas Village Subdivision sa Makati City.

Kaugnay nito, kinampihan at idinipensa pa ni Año ang pulis sa nangyari.

“Amid all the buzz and trial by publicity going around this incident, we stand with Police Senior Master Sergeant Roland Madrona since he did his job properly. The incident was handled in accordance with established police protocols. He was just doing his job,” ayon pa kay Año.

Sinabi rin ni Año na ang pag-aresto ay ginawa ng pulis ng “by the book” at may pagtalima sa police protocols sa law enforcement at hindi ito dapat na husgahan lamang base sa kuha ng video dahil marami pang kaganapan sa likod nito.

Nanatili rin aniyang ‘cool’ ang pulis habang sinisita ang katulong at hindi ito pinagmulta, sa halip ay pinagsabihan lamang.

Wala rin umanong naganap na tresspassing dahil ang insidente ay naganap sa kalsada, at nakaabot lamang sila sa harapan ng bahay nang inaaresto na at tumakbo ang dayuhan.

Ani Año, dapat na mapaalalahanan ang mga mamamayan na sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ), ang pagpapatupad ng batas ay mas mahigpit at mas istrikto dahil na rin sa public health measure upang masugpo ang pagkalat ng COVID-19.

Dapat rin aniyang kahit ang simpleng pagsusuot lamang ng face mask ay istriktong ipinatutupad at sinusunod.

Sinabi naman ni Año na sa mga ganitong pangyayari ay pinakamadaling manghusga ngunit dapat aniyang ikonsi­dera ang buong kaganapan at mga ebidensiya bago magbigay ng hatol. “It is always the easiest to judge a certain situation by referencing a video, but we cannot pass a verdict na iyon lamang ang ating pinagbabasehan. Full investigation must ensue so that we can consider all the other evidences and eyewitness accounts,” aniya.

LOCKDOWN

SUBDIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with