^

Metro

Punerarya, crematorium na tatanggi sa bangkay ng COVID-19 victims, parurusahan

Janvic Mateo - Pilipino Star Ngayon

Ordinansa ipinasa sa Quezon City

MANILA, Philippines — Nagpasa ng isang ordinansa ang Quezon City govern­ment na nagpapataw ng parusa sa  mga punerarya at crematoriums na tatanggi sa mga bangkay ng mga naging biktima  ng COVID-19.

Inaprubahan na ni QC Mayor Joy Belmonte ang naturang ordinansa na nagtatatag ng protocols kaugnay sa mga nasawi sa COVID-19  pandemic.

Sa ilalim ng ordinansa, hindi umano dapat na tanggihan ng mga punerarya at crematoriums ang mga nasawing COVID-19 patients dahil lamang sa takot na mahawa sa infection o iba pang kadahilanan.

Kasabay din nito, nakapaloob sa ordinansa na pinagbabawalan ang mga punerarya at crematoriums na magtaas ng kanilang service fee sa panahon ng pandemic.

“Layunin natin dito na  maprotektahan ang mga nagdadalamhati na pamilya ng mga nasawi sa COVID sa mga mapagsamantalang funeral parlors at crematoriums na imbes na tumulong ay nagsasamantala pa sa sitwasyon”, pahayag ni Belmonte.

Kasabay naman nito, nag-is­yu rin si Mayor Belmonte ng protocols para maga­­­bayan ang may 14 na national govern­ment-run hospital sa lungsod sa paghawak sa COVID-related deaths.

“We have crafted guidelines to make sure that the cadavers are efficiently ma­naged within our city”, dag­dag pa ni Belmonte.

Hinikayat ni Belmonte ang mga ospital na sundin ang 12-hour period para sa cremation  sa ilalim na rin ng guidelines ng DOH.

Kailangan umano na magkaroon ang bawat government hospitals ng point person na siyang magrereport sa city government sa lahat ng unclaimed COVID-19 cada­vers sa tama at itinakdang oras.

Sa huli, ipinaalala nito na kailangan umanong matiyak ng mga ospital na ang mga labi ng COVID-19 patients ay maayos na mailalagay sa morgue na naka-freezer habang naghihintay sa sche­dule ng cremation o retrieval.

COVID-19

CREMATORIUMS

PUNERARYA

QUEZON CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with