80 residente na nagpa-boksing at nagpa-bingo, inaresto
Isinailalim sa ‘Swab testing’
MANILA, Philippines — Dinampot ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang nasa 80 residente ng Brgy. 20 na itinuturong mga lumabag sa ‘quarantine protocols’ nang magpa-boksing at magpa-bingo saka isinailalim sa COVID-19 swab testing.
Alas-8 ng Martes ng gabi at alas-5 kahapon ng madaling araw nang imbitahan ang 80 residente ng Brgy. 20 sa Port Area, Manila ng mga tauhan ng MPD-Station 2 sa pangunguna ni P/Supt Magno Gallora Jr.
Dinala sa Delpan Quarantine Facility ang mga ito kung saan dito sila isinailalim sa swab tests ng mga tauhan ng Manila Health Department.
Dito natukoy ang walo na posibleng carrier ng virus, lima ang agad na inilipat sa Delpan Quarantine Facility at dalawa ang inilagay sa ‘self-isolation’.
Matatandaan na inilagay sa ‘shutdown’ ang buong Barangay 20 mula alas-8 ng gabi ng Abril 14 hanggang alas-8 ng gabi ng Abril 15 makaraang mag-viral ang video ng paboksing habang nakunan din ng litrato ang ilan na nagpapa-bingo na malinaw na paglabag sa panuntunan sa ECQ.
- Latest