^

Metro

Matapos magpa-boksing at magpa-binggo, Brgy. sa Maynila ipinasara ni Yorme

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Matapos magpa-boksing at magpa-binggo, Brgy. sa Maynila ipinasara ni Yorme
Sa inilabas na Executive Order No. 19 na pinirmahan ni Moreno nitong Lunes ng gabi, inilagay sa ‘total shutdown’ ang Barangay 20 mula alas-8 ng gabi ng Abril 14 hanggang alas-8 ng gabi ng Abril 15. Nangangahulugan ito na mas mahigpit ang pagpapatupad na manatili sa loob ng kani-kanilang bahay ang mga residente.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Manila City Mayor Isko Moreno ang 24-oras na pagpapasara sa isang barangay sa Tondo makaraang mapanood ang isang video ng pa-boksing, pa-bingo at tahasang paglabag ng mga residente sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sa inilabas na Executive Order No. 19 na pinirmahan ni Moreno nitong Lunes ng gabi, inilagay sa ‘total shutdown’ ang Barangay 20 mula alas-8 ng gabi ng Abril 14 hanggang alas-8 ng gabi ng Abril 15. Nangangahulugan ito na mas mahigpit ang pagpapatupad na manatili sa loob ng kani-kanilang bahay ang mga residente.

Ipinag-utos rin ang pagpapasara sa lahat ng establisimentong komersyal, industriyal, pagtitinda, institusyunal at iba pang aktibidad sa loob ng barangay habang  naka-shutdown ito.

Ipinag-utos din ni Moreno ang pagsasagawa ng ‘disease surveillance, testing at rapid risk assessment operations’ sa naturang barangay dahil sa pangamba na nagkahawahan na ang mga pasaway na mga residente ng virus.

“A video was posted on Facebook showing a group of more or less one hundred people, including children, participating and spectating in what appears to be an informally organized boxing match by the side of the street. The video shows blatant violations of the enhanced community quarantine guidelines and social distancing protocols thereby creating immense risk of exposure and contraction of COVID-19 to those involved in the event,” ayon sa alkalde.

BARANGAY 20

ISKO MORENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with