^

Metro

2 pekeng pulis, timbog sa‘quarantine checkpoint’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 pekeng pulis, timbog sa‘quarantine checkpoint’
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Ronnie S. Montejo ang mga nadakip na sina Henry B. Ysulat Jr., 29, at Joselito Luz, 54, family driver.
Michael Varcas/ File

MANILA, Philippines  — Timbog ng mga awtoridad ang dalawang pekeng pulis sa inilatag na quarantine checkpoint ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Ronnie S. Montejo ang mga nadakip na sina Henry B. Ysulat Jr., 29,  at Joselito Luz, 54, family driver.

Unang nadakip si Ysulat, dakong alas-3:30 ng hapon sa checkpoint sa boundary ng Payatas Road malapit sa  Montalban/Rodriguez sakay ng magenta Mio Sporty motorcycle at nakasuot ng police General Office Attire (GOA) uniform.

Nagpakilala umano si Ysulat bilang  police officer at nakatalaga sa Police Security and Protection Group (PSPG), subalit nang beripikahin ay wala itong naipakitang PNP identification at wala ring  driver’s license.

Nang makapkapan ay nakumpiska sa kaniya ang caliber 9mm Pistol Browning Arms Company Morgan, Utah & Montreal with Serial No. 64523, 32 piraso ng mga bala, anim na bala ng  cal. .45 na nakalagay sa firearm holster, isang  handheld radio, iba’t ibang identification cards na may pangalan niya,  blue cellular phone,  handcuff,  brown vest na may “PULIS” mar­kings at  Yamaha Mio Sporty Motorcycle na may MV File no. 1301-00000836840.

Sinabi naman ng suspek na ang mga nakumpiska sa kaniyang mga baril at bala, maging ang police uniform ay pag-aari ng kaniyang kamag-anak na retiradong pulis.

Sumunod na nadakip si Luz bandang alas-6:10 ng hapon, sakay ng kulay gray Suzuki APV (UOZ 147)  nang dumaan sa  checkpoint sa Batasan-San Mateo Rd. Brgy. Batasan.

Nakasuot ng police upper athletic shirt ang suspek at nagpakilalang pulis subalit nang hingan ng ID at lisensiya ay wala itong naipakita at sa halip ay ang traffic violation receipt ang ibinigay.  Nang kapkapan ay nakuha sa kaniya ang shabu na nagkakahalaga ng  P2,500. Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang dalawa.

PSPG

QCPD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with