^

Metro

Extension ng enhanced community quarantine hindi ‘advisable’- Año

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Extension ng enhanced community quarantine hindi ‘advisable’- Año
Kabaong na rin ang ginamit na babala ng mga barangay official sa Camain, Caloocan para manatili sa kani-kanilang mga bahay ang mga residente kaugnay sa ipinatutupad na enhanced community quarantine dahil sa COVID- 19.
Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines — Naniniwala si Interior Secre­tary Eduardo Año na hindi ‘advisable’ na palawigin pa ang umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon ngayon, dahil ang ekonomiya aniya ng bansa ang lubos na maaapektuhan nito.

Kaugnay nito, umapela si Año sa mga mamamayan na seryosohin ang natitirang dalawang linggo ng qua­rantine upang tuluyan nang masugpo ang paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Matatandaang una nang nagpatupad si Pangulong Rodrigo Duterte ng enhanced community quarantine sa Luzon noong Marso 16 para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

May mga haka-haka naman na maaaring mapalawig pa ang quarantine kung magpapatuloy pa rin ang paglaganap ng virus.

“Hindi advisable na pahabain, magsa-suffer ang economy. Itong natitirang dalawang linggo nating ito at seryosohin natin to I tell you maso-solve natin ito, wala lang mga pasaway,” panawagan naman ni Año, sa isang panayam sa radyo.

Gayunman, depende pa rin aniya ito sa desisyon ng pangulo kung aalisin na o hindi pa ang quarantine.

Inaasahang magtatagal ang pag-iral ng quaran­tine hanggang sa Abril 14 at habang umiiral ito ay kinakailangang limitahan ang galaw ng mga tao sa pagbili lamang ng kanilang mga pangangailangan at manatili lamang sa kanilang tahanan upang hindi mahawa ng virus.

“Depende sa ating Pa­ngulo kung i-lift yan meron mga measures pagkatapos ng lockdown kailangan ba or ilan workforce percent ang papayagan muna natin, unti-unti establishment na ioopen, yun yung mga measures na dapat i-continue,”.

Aniya pa, ang desisyon dito ng Inter-agency Task Force ay depende sa bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

“Palagay ko naman pag umabot tayo ng 10,000 cases, ng ganun dapat i-extend, hindi pwede pabayaan. Siyempre IATF ang mag-decide niyan particular threshold natin at saka yung mga under­lying factors pa so we have two weeks na sana seryosohin na natin ng husto ang lockdown pati ibang lugar sa bansa, oustside Luzon,” aniya.

Hanggang nitong Marso 29 ay nasa 1,418 na ang COVID-19 cases sa bansa ngunit ayon sa Department of Health (DOH), ang biglaang pagdami ng kaso, ay arti­pisyal lamang at dulot lamang ng pagdami na ng test kits at laboratoryo na nagsasagawa ng pagsusuri.

 

EXTENSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with