^

Metro

4 NCMH health worker nahawahan ng virus

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iniulat ng pamunuan ng National Center for Mental Health (NCMH) sa Mandaluyong City na may apat na health worker dito ang nagpositibo sa sakit na coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa NCMH, kasalukuyan pa nilang inaalam kung saan nakuha o nahawa ng COVID-19 ang kanilang apat na health worker.

Ang isa sa kanila ay naka-home quarantine na habang tatlo ay kasaluku­yang ginagamot ngayon sa hindi na tinukoy na ospital sa Metro Manila.

Sa kasalukuyan ay may 147 persons under investigation (PUI) ang NCMH.

Sinabi pa ng pamunuan ng NCMH, ang 134 na kanilang empleyado ay nasa home quarantine na habang ang 13 psychiatric patients ay kinakalinga ngayon sa Pavilion 7 ng hospital.

Isang PUI na non-psychiatric dialysis patient ang nasawi at ang resulta ng laboratory test nito ay hindi pa lumalabas.

COVID-19

NCMH

PUI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with