^

Metro

7,000 empleyado ng Parañaque City, tatanggap na ng mid-year bonus, clothing allowance

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matatanggap  na simula ngayong araw ang full mid-year bonus ng nasa 7,000 ng regular at casual employees ng Parañaque City Government, ayon kay Mayor Edwin Olivarez

 Bukod pa sa bonus, lahat din ng empleyado ay mabibigyan ng P6,000 clothing allowance na sisimulan ngayon (Marso 19) hanggang sa Lunes  Marso 23.

 Anang alkalde, dahil sa pagsasailalim sa buong bansa ng state of calamity at enhanced community quarantine sa buong Luzon, hindi na kailangang magtungo pa sa Para­ñaque City Hall ang mga empleyado dahil idadaan na ito sa kanilang Land Bank automated teller machine (ATM).

 “The early release of the bonus pay is to augment the financial needs of employees who would be economically affected by the crisis,” ani city treasurer,  Dr. Anthony Pulmano.

Makukuha rin  ng mga kawani ang kanilang regular na buwanang sweldo.

 Sapat aniya ang pondo kaya nai-release ang pangangailangang ito sa krisis na nararanasan ngayon kaugnay sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 Noong nakalipas na taon, nakapagtala ng P5.3 bilyon na kita ang pamahalaan ng Parañaque  na tumaas ng P1.6-B mula sa dating P3.7-B.

EDWIN OLIVAREZ

MID YEAR BONUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with