^

Metro

PUV binalaan sa pagtataas ng singil sa pasahe

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
PUV binalaan sa pagtataas ng singil sa pasahe
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, kanilang parurusahan na maaaring makansela ang franchise ng mga pasaherong sasakyan na naniningil ng mas mataas na pasahe kaysa sa itinakdang pamasahe ng LTFRB.
STAR/File

MANILA, Philippines — Binalaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga operators at drivers ng mga pampasaherong sasakyan na huwag magsamantala sa presyo ng pasahe ngayong kasagsagan sa pag-uwi ng maraming pasahero sa kani-kanilang probinsiya matapos isailalim ang  Metro Manila ang community quarantine dahil sa COVID-19

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, kanilang parurusahan na maaaring makansela ang franchise ng mga pasaherong sasakyan na naniningil ng mas mataas na pasahe kaysa sa itinakdang pamasahe ng LTFRB.

Hanggang kahapon, libong mamamayan ang nagsisiuwian sa kanilang mga probinsya para doon pansamantala tumira habang naka-quarantine ang NCR mula ngayong March 15 hanggang April 14.

Kaugnay nito, nanawagan ang LTFRB sa mga commuters na ireklamo sa ahensiya ang anumang karanasan sa  taas pasahe sa mga pampasaherong sasakyan.

Anya bukas ang tanggapan na tumanggap ng reklamo hinggil dito at upang maipatawag agad ang operator ng inirereklamong pampublikong sasakyan.

LTFRB

MARTIN DELGRA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with