^

Metro

Guidelines sa pagpasok at paglabas ng mga pampasaherong sasakyan sa Metro Manila-bubuuin ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Guidelines sa pagpasok at paglabas ng mga pampasaherong sasakyan sa Metro Manila-bubuuin ng LTFRB
Dumagsa ang mga pasahero sa provincial bus terminal sa Cubao, Quezon City matapos na ianunsyo ni Pangulong Digong ang pagsailalim sa Metro Manila sa quarantine simula bukas ng hatinggabi.
Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines — Bubuo ng guidelines ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa mga dapat sundin at galaw ng mga pampasaherong sasakyan palabas at papasok ng Metro Manila.

Ito ay sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra kasunod ng utos ni Pangu­long Rodrigo Duterte na ipairal ang limitasyon sa biyahe sa lupa, himpapawid, karagatan sa National Capital Region (NCR).

Sa viber statement ni Chairman Delgra, inatasan nito ang ahensiya na magbalangkas ng guidelines para dito.

Isang pulong ang ginawa ng LTFRB sa pagitan ng transport group para magkatulungan na maibsan ang paglaganap ng COVID- 19.

Kaugnay nito, sinabi ni Lando Marquez, Presidente ng Land Transport Organization of the Philippines, hindi muna papasada ang mga sasakyan na miyembro nila bilang hakbang ng samahan kontra NCOV.

Ilan sa paplansahin at lilinawin sa guidelines ang magiging patakaran sa pagpasok ng mga obrero na nagtatrabaho sa Metro Manila na nakatira sa mga probinsiya tulad ng Bulacan, Pampanga, Tarlac at Cavite ipa pang lugar sa Luzon.

GUIDELINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with