Libreng sine sa seniors sa Makati sinuspinde
MANILA, Philippines — Iniutos kahapon ni Makati Mayor Abby Binay ang agarang pagsuspinde sa pagkakaloob ng libreng panonood ng sine para sa senior citizens ng Makati sa ilalim ng Blu Card program dahil sa pagiging vulnerable nila sa kinatatakutang Coronavirus disease 2019 (Covid-19) .
Ito’y bilang pagtugon sa naging kautusan ng Department of Health (DOH) Technical Advisory Group na ipatupad ang social distancing measures sa National Capital Region (NCR) sa loob ng 30 araw.
“With the end in view of protecting the health of the elderly and to ensure their safety in the ensuing COVID-19 outbreak, I have ordered the temporary suspension of free movie passes to Blu Card holders effective immediately,” anang alkalde.
Iginiit niya na dapat na mahigpit itong ipatupad para maprotektahan ang mga matatanda na mas mabilis umanong kapitan ng nasabing virus.
Umapela rin siya sa Blu Card members na unawain at makiisa sa layuning ito dahil hinihingi lamang ng pagkakataon at sakaling bumalik na sa normal ang sitwasyon ay aalisin din agad ang suspension order.
Ang Blu Card na naeenjoy ng mga senior citizen ay unlimited free entrance sa mga cinema-partners na noong nakalipas na taon lamang ay binayaran ng Makati government ang P28.7 milyon tickets para sa registered senior citizens at P2-milyon namang tickets para sa kwalipikadong person with disabilities (PWDs).
- Latest