City Hall, ospital, palengke binugahan ng disinfectants
MANILA , Philippines — Nagpatuloy ang ‘misting operations’ ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) kahapon sa mga pangunahing imprastruktura ng lokal na pamahalaan para mapatay ang mga virus at maiwasan ang pagkalat ng novel coronavirus 2019 o COVID-19.
Kahapon, isa-isang nilibot ng MDRRMO ang mga pa-ngunahing palengke sa lungsod na dinadagsa ng publiko at nagsaboy ng mga ‘disinfectants’.
Kabilang sa mga dinaanan ang Divisoria Public Market, Wagas Market, Aranque Market, Bambang Market, Central Market, Trabajo Market, Paco Market, Dagonoy Market at Quinta Market.
Sinabuyan din ng disinfectants ang mga korte na nasa ikatlo at ikaapat na palapag ng Manila City Hall habang sa pagtatapos ng working hours naman isasagawa ang “mis-ting” sa iba’t ibang tanggapan ng Manila City Hall.
Nitong nakaraang Martes unang nagsagawa ng ‘mis-ting operation’ ang MDRRMO sa mga ospital sa lungsod. Kabilang dito ang Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Tondo, Ospital ng Sampaloc, Sta. Ana Hospital, Ospital ng Maynila at Justice Jose Abad Santos General Hospital.
- Latest