^

Metro

PLA sa POGO, pinabubusisi ng DILG

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Ipinag-utos ni Interior Secretary Eduardo Año sa Philippine National Police na busisiin ang umano’y paglitaw ng may 3,000 miyembro ng China’s People’s Liberation Army (PLA) sa bansa na sinasabing  nagkukunwaring mga empleyado ng  Philippine Online Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Ayon kay Año , bahagi ng trabaho rito ng pulisya na malaman kung may banta sa seguridad ng bansa ang ulat na ito.

“We are having meetings with the Chinese Embassy, through their so-called military attache, and this matter is being discussed,” pahayag ni Año

Ang kautusan ay ginawa  ni Año nang ibunyag ni  Senador  Panfilo Lacson na may 3,000 tauhan ng PLA ng China ang nasa Pilipinas ngayon makaraan ang dalawang Chinese na suspek sa pamamaril sa Makati ay nakitaan ng PLA identification cards.

“So we’re checking if it is really true that they carried PLA IDs, and if all these information threaten our national security,”  pahayag ni Año.

Binigyang diin ng Kalihim na bagamat ang pamahalaan ay may namamagitang ugnayan sa Chinese govern­ment kontra kriminalidad, ang pagkakaroon ng  PLA ID cards  sa mga Chinese visitors  ay isang bagong development.

CHINESE EMBASSY

PLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with