^

Metro

Helper kulong sa rape ng 11-anyos

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 18-anyos na lalaki matapos umanong gahasain ang isang Grade 5 student na kapitbahay sa Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa.

 Nakapiit na sa Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ang suspek na  si JM Pillora, ng 351-B Quintana St., Sta. Mesa na nahaharap sa kasong “Statutory Rape” in relation to Child Abuse Law sa Manila Prosecutor’s Office.

 Kamakalawa ng umaga nang arestuhin ang suspek matapos idulog ng ina ng biktima sa himpilan ng pulisya ang ginawang panghahalay sa kanyang anak noong Pebrero 26, 2020 sa loob  ng bahay ng suspek.

 Nabatid na dingding na kahoy lang umano ang pagitan ng tinitirhan ng pamilya ng biktima at suspek kaya madalas niyang makita ang biktima hanggang sa matiyempuhan niyang nag-iisa at dalhin sa loob ng kanyang tinutuluyang kuwarto kung saan isinagawa ang makamundong pagnanasa dakong tanghali noong Miyerkules.

 Agad namang inaksyunan ni SMaRT chief, P/Major Rosalino Ibay ang sumbong at nadakip ang suspek.

MAJOR ROSALIN

STATUTORY RAPE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with