^

Metro

Driver ng jeep na umararo sa mga mag-aaral positibo sa droga, operator hahabulin din

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Driver ng jeep na umararo sa mga mag-aaral positibo sa droga, operator hahabulin din
Ang jeepney driver na si Crisalde Tamparo na umararo sa grupo ng mga estudyante sa Makati.

MANILA, Philippines — Nagpositibo sa droga ang driver ng jeep na umararo sa grupo ng mga estudyante na tumatawid sa Makati City kung saan isang 14-anyos ang nasawi habang 7 pa ang nasugatan.

Bukod dito, hahabulin at pananagutin din ni Makati City Mayor Abigail Binay ang operator ng pampasaherong jeep makaraang matuklasang sabog sa iligal na droga ang driver nito na si Crisalde Tamparo, 31, nang maganap ang insidente nitong nakaraang Miyerkules ng gabi.

“I have also ordered the police to identify the operator of the jeepney and recommend the immediate suspension of its franchise by LTFRB,” ayon sa alkalde sa kaniyang opisyal na pahayag ukol sa insidente na kumitil sa buhay ng 14-anyos na si Jules Villapando habang pito ring estudyante ang sugatan.

Tumatawid ng kalsada sa kanto ng JP Rizal Avenue at Mabini Street ang mga mag-aaral ng Gen. Pio del Pilar National High School nang araruhin sila ng jeep na minamaneho ng suspek.

Nang isailalim sa drug test, lumalabas na positibo sa iligal na droga si Tamparo.  Nabatid rin na dati nang nahuli ang kaniyang kinakasamang babae dahil sa pagtutulak ng shabu sa lungsod.

Bukod dito wala ring lisensiya ang suspect matapos na mahuli na ito sa paglabag sa batas trapiko pero patuloy na nagmamaneho.

“I am deeply shocked and saddened by the tragic accident last night in Barangay Poblacion that has claimed the life of a 14-year old student of Pio del Pilar National High School and caused serious injuries to his seven other schoolmates as they were walking home. My heart goes out to their parents, especially to the parents of Jules Villapando, whose young life was abruptly cut short by the senseless tragedy. I offer my heartfelt condolences to them,” dagdag ni Binay sa kaniyang pakikiramay.

Nangako ang alkalde na ibibigay ang lahat ng tulong sa mga biktima ng naturang aksidente at ibibigay ang hustisya para sa kanila.

CRISALDE TAMPARO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with