16 police trainees nag-post habang nag-iinom sa dormitoryo sinibak
MANILA, Philippines – Hindi naka-graduate at hindi na magiging pulis ang 16 na police trainees makaraang mahuling nag-iinuman sa kanilang dormitoryo na pinost pa ng mga ito ang kanilang litrato at video sa social media.
Ito’y matapos na ipag-utos ni Philippne National Police (PNP) Chief Police General Archie Gamboa na sibakin ang mga police trainees at huwag nang pasamahin pa sa graduation ceremony.
Ayon kay Gamboa, sadyang hindi muna niya pinangalanan ang mga nabanggit na police trainees habang patuloy na isinasagawa ang imbestigasyon.
“You will get terminated kasi simula pa lang tapos ganyan na,” dagdag ng nadismayang PNP Chief.
Kasabay nito sinibak din ni Gamboa ang lahat ng opisyal ng Regional Training Group sa ilalim ng National Capital Region Police Office (NCRPO) bunga ng command responsibility dahil sa ginawang kalokohan ng mga recruits.
Ayon naman kay NCRPO Director Police Major General Debold Sinas na ginamit ng 16 na bagong police recruits ang messenger sa facebook para i- share ang kanilang mga larawan at video sa pag-iinuman ng mga ito sa loob ng dormitoryo.
“Delinquency report was already issued for the fact-finding investigation. The new breed of Metro Cops should not only be physically fit, emotionally balanced, mentally sharp, morally upright but most of all, perpetually disciplined,” pahayag naman ni Sinas sa kanyang statement. Danilo Garcia
- Latest