^

Metro

Pagbuo ng Center for Disease Control panahon na- health expert

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naniniwala ang Philippine Foundation for Vaccination (PFV) na napapanahon na ang pagbuo ng isang independent agency na siyang tututok upang maiwasan ang pagkalat ng mga nakahahawang sakit.

Sa ginanap na forum ng Kapihan sa Manila Hotel ng Samahang Plaridel, sinabi ni PFV  Executive  Director Dr. Lulu Bravo na ‘good move’ ang pagbuo ng Center for Disease Control lalo pa’t hinaharap ngayon ng buong mundo ang 2019 novel corona­virus acute respiratory ­disease (nCoV-ARD).

Sinabi ni Bravo na ang panukalang CDC  ay bubuuin ng Disease Prevention and Control Bureau (DPCB) ng Department Health at Epidemiology Bureau  na magbibigay ng maayos na ulat.

Ani Bravo  maraming  nakahahawang sakit ang  tinututukan ng DOH subalit  kinakailangan din na  mayroong nakatutok sa  research at clinical trials.

“Hindi mo dapat paghaluin. Dapat ang kanya-kanyang function is well-defined... kaya dapat meron kang nakalaan for control. ‘Yang CDC kasi ‘yan talaga ang dapat mamahala sa pag-control at pag-contain.” ani Bravo.

Binigyan diin din ni Bravo na habang nakatutok ang mga gobyerno sa banta ng  nCoV, hindi dapat na  ipagwalang bahala ng pamahalaan ang pneumococcal diseases na pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga batang wala pang 5 taon.

Mas makabubuti rin  kung susuriin ng DOH  kung ano sa pneumococcal conjugate vaccine (PCV) 10 at PCV13 ang epektibo at mura para sa pneumococcal diseases.

 

DISEASE CONTROL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with