^

Metro

Sevilla Bridge isasara, reblocking patuloy pa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

Matindi pang trapik asahan

MANILA, Philippines — Muling nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa maaaring mabigat na trapiko na idudulot ng nakatakdang pagsasara sa trapiko ng Sevilla Bridge sa Mandaluyong City at ‘road reblockings’ sa iba’t -ibang kalsada sa Metro Manila na nagsimula nitong Biyernes ng gabi.

Sa abiso ng MMDA, dakong alas-10 ngayong Sabado ng gabi isasara sa trapiko ang Sevilla Bridge upang bigyang daan ang kontraktor ng Skyway Stage 3 sa pagbababa ng kanilang mga kagamitan kabilang ang mga ‘barges at cranes’ sa Ilog San Juan.

Ang tulay na nagkokonekta sa Mandaluyong at San Juan City ay muling bubuksan sa Linggo dakong alas-5 ng madaling araw.

Samantala, alas-11 naman kagabi nag-umpisa ang concrete reblocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang pangunahing kalsada na muling bubuksan sa Pebrero 10.

Kabilang dito ang southbound lane ng EDSA sa A. Bonifacio Cloverleaf hanggang 11th Avenue (1st lane); Bulakan Street hanggang West Avenue (3rd lane) at BP Tuazon flyover hanggang A. Boni Serrano flyover (2nd lane).

Sa Northbound, isasara ang EDSA mula Aurora Blvd. hanggang New York Street (3rd lane) habang ang ibang kalsada na kukumpunihin ay ang General Luis Street mula Samote Street hanggang SB Road sa Novaliches, Quezon City at Elliptical Road mula Kalayaan Avenue hanggang Maharlika Street (6th lane) at ang Pasig Blvd. (2nd lane) para bigyang daan ang pagkumpuni sa mga tubo ng Manila Water.

 

SEVILLA BRIDGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with