^

Metro

Bebot na nagpaturok ng ‘pampaputi’, nasawi

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bebot na nagpaturok ng ‘pampaputi’, nasawi
Kinilala ang nasa-wi na si Shyrill Gee Distor, ng Sampaloc, Maynila.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 33-anyos na empleya­da matapos magpaturok ng beauty enhan-cer na ‘glutathione’ at iba pang vitamins injectable matapos na unang mawalan ng malay, ayon sa ulat ka­hapon.

Kinilala ang nasa-wi na si Shyrill Gee Distor, ng  Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ni P/Corporal Allan Lingcong ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:00 ng hapon noong Pebrero 3,  nang maganap ang insidente sa loob ng Glutaholics Spa na matatagpuan sa Prudencio St. corner Maria Clara St., Sampaloc, Maynila.

Sa imbestigasyon, nagtungo ang biktima sa nasabing beauty spa para mabig­yan siya ng Glutathione dose na itinurok ng nurse na si Jillian Dizon.

Ayon  kay Lingcong, sinabi ni Dizon, na ma­tapos turukan ng isang  vial ng Aqua Skin Diamond-Pro Ultra White F-40 na gawa ng Skinnic Laboratories at isang ampule ng Ascorbic Acid Vitarex-C ay nawalan na nang malay ang biktima.

Dahilan upang isugod ito  sa UST Hospital  subalit alas-11:13 ng gabi ng araw ring iyon ay idineklarang patay ang biktima.

 Patuloy pa ang malalimang imbestigasyon na kasalukuyan pang inaantabayanan ang autopsy result at toxicology examinations   sa labi ni Distor.

Inaalam kung may posibleng reckless imprudence/medical malpratice ang nasabing insidente o may iba pang dahilan tulad ng sakit na taglay ng biktima  sanhi ng kanyang kamatayan.

SHYRILL GEE DISTOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with