^

Metro

Power interruptions sa Metro Manila ngayong linggo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Power interruptions sa Metro Manila ngayong linggo
Base sa maintenance schedule ng Meralco, nabatid na ang gagawin nilang pagkukumpuni, na mag­reresulta sa pansa-mantalang pagputol ng suplay ng kuryente ay sisimulan sa Martes, Enero 28, at magtatagal hanggang sa Sabado, Pebrero 1.
STAR/File

MANILA, Philippines — Asahan ang pag-ka­karoon ng power interruptions ngayong linggo sa ilang lungsod sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Ito ay matapos iha-yag ng pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) na magpapatupad ng pansamantalang brownouts sa ilang lungsod sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan bunsod ng isasagawa nilang maintenance works sa kanilang mga pasilidad upang higit pang mapag­husay ang kanilang ipinagkakaloob na serbisyo sa kanilang mga kostumer.

Base sa maintenance schedule ng Meralco, nabatid na ang gagawin nilang pagkukumpuni, na mag­reresulta sa pansa-mantalang pagputol ng suplay ng kuryente ay sisimulan sa Martes, Enero 28, at magtatagal hanggang sa Sabado, Pebrero 1.

Kasama sa apekta-do nito ang Quezon City dahil sa relokasyon ng mga pasilidad na apek­tado ng road widening project ng De­partment of Public Works and Highways (DPWH) sa Hon. G. Roxas at Sto. Domingo Sts. sa Brgy Manresa, at line reconductoring works na nakatakdang idaos sa 12th Ave. sa Brgy. Socorro sa Cubao.

Sa Parañaque City, magkakaroon ng pagpapalit ng mga pasilidad sa loob ng Entertainment City habang may line reconductoring works at replacement of poles naman sa Long Beach St. sa Merville Subdivision, sa Brgy. Merville.

Kabilang din sa po-wer interruption ang Sta. Lucia, sa Pasig City dahil sa pagpapalit ng poste sa 5th St. sa Riverside Executive Village

Sa Maynila naman, apektado ang Sta. Cruz, dahil sa pole replacement sa Aurora Blvd., kanto ng P. Guevarra St. habang sa Brgy. Batis, San Juan City naman ay mayro­ong power interruptions dahil sa pagpapalit ng poste at line reconductoring works sa J. Wright St.

Sa Cavite, apektado ang Carmona dahil sa line reconstruction works at replacement ng mga poste sa Loyo­la St., Brgy. Maduya samantalang sa Bulacan ay apektado rin ang Bocaue dahil sa line maintenance works sa North Luzon Expressway (NLEX) East Ser-vice Rd sa Brgy. Turo; pati San Rafael dahil sa reconductoring ng mga pangunahing linya sa Cagayan Valley Rd sa Brgy. Capihan; at ma-ging ang Baliuag, dahil sa reconstruction ng mga pasilidad sa n Camella Baliwag Subdivision, Phase 4, Barangay Pagala.

Humihingi naman ng paumanhin ang Meral­co sa kanilang mga kostumer dahil sa perwisyong idudulot ng kanilang maintenance works.

BROWNOUT

POWER INTERRUPTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with