^

Metro

Technohub employees umapela kay Digong

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi pa man gumugulong ang imbestigasyon sa lease contract sa pagitan ng Ayala Land Inc (ALI) at ng University of the Philippines (UP) ay aminado ang mga empleyado sa Technohub, partikular ang BPO wokers, na nababahala sa sitwasyon at ngayon pa lamang ay nangangamba nang mawalan ng trabaho.

 “Sa mga nangyayari ngayon at sa mga nababasa mo, nakakatakot na baka isang araw magising ka na lang na wala ka na palang mapapasukan kasi ipinasara na,” pahayag ni Virmel Villareal, 31, at nagtatrabaho sa Synnex-Concentrix, isang BPO company sa Tehnohub.

Ayon kay Virmel, sa dalawang taon niyang pagtatrabaho sa Technohub ay wala syang naging problema, maaliwalas at ligtas sa kanyang pinagtatrabahuhan, accesiible sa lahat at  may maayos na panuntunan sa buong complex kaya naman nang marinig niyang iimbestigahan ang UP-Technohub complex ay nalungkot siya kasama na ng kanyang mga kasamahan sa trabaho.

“Nananawagan  kami kay Pangulong Duterte, huwag naman sana kaming mawalan ng trabaho.  Napakahirap mawalan ng trabaho sa panahong ito,” pahayag ni Virmel.

Ganoon din ang sentimyento ni Paula Biazon, nagtatrabaho rin sa Synnex-Concentrix.

Aniya, huwag sanang madamay ang kanilang trabaho sa gagawing imbestigasyon sa Technohub deal dahil mahirap maghanap ng trabaho ngayon.

Apela naman ni Ma. Cristina dela Vega, isang call center agent sa Convergys, huwag sanang magpabigla-bigla ang Malacañang at bigyan ng pagkakataon ang Ayala Land na magpaliwanag. Hindi, aniya, siya naniniwalang may anomalya sa kontrata lalo pa at ang Technobub ay partnership sa UP na hindi naman umano basta maloloko at papasok sa kontrata na sila mismo ay malulugi.

Sinabi naman ni Ferdinand Abelardo, isa ring call center agent sa Convergys, na umaasa siyang isasaalang-alang ng Palasyo  ang kanilang trabaho sa gagawin nitong imbestigasyon sa Technohub.

Binigyang-diin niya na hindi siya tatagal sa Technohub kung hindi maganda ang palakad ng ALI, sa katunayan umano ay masaya sila at maayos na nagtatrabaho roon dahil sa magandang benepisyo rin na kanilang natatanggap.

TECHNOHUB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with