NAIA naka-heightened alert
MANILA, Philippines —Nasa heightened alert ang tatlong international terminal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa misteryosong sakit na umusbong sa China kaya naman nakahanda ang mga awtoridad dito sa pagsala ng mga international passengers partikular ang mga galing China, Hongkong, Taiwan at sa kalapit bansa ng mga ito.
Sinabi ni MIAA general manager Ed Monreal, na nakahanda ang kanyang tanggapan na tumulong at sumuporta sa Department of Health partikular sa Human Quarantine sa paliparan.
“Binigyan natin ng babala ang mga nasa loob ng paliparan partikular ang mga empleyado ng iba’t ibang ahensiya na magsuot ng mga ‘mask’ para proteksiyonan ang kanilang mga sarili dahil ang misteryosong sakit ay ‘airborne.’
Sinabi ni Monreal, may pa-lagay ang mga doktor partikular sa pinanggalingan ng sakit na ito na ang misteryosong sakit ay ‘coronavirus’ kaya nananawagan siyang mag-ingat ang lahat ng mga nasa paliparan maging sa iba’t ibang international airport sa bansa na proteksiyonan ang kanilang mga sarili.
‘Kung may mga nararamdaman ang ating mga kababayan ay huwag nang magbakasali kailangan pumunta agad sila sa mga doktor para magpatingin at malapatan ng kaukulang lunas sila.’ sabi ni Monreal.
- Latest