^

Metro

Sexagenarian, 2 pa tiklo sa robbery extortion

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlong kalalakihan kabilang ang isang sexagenarian matapos ang mga itong ireklamo ng robbery extortion sa isinagawang entrapment operation sa lunsod-Quezon kamakalawa ng hapon.

 Kinilala ni QCPD Director Police Brig. Gen. Ronnie Montejo ang mga nasakoteng suspek na sina Raymund Pastor, 60 anyos; Calvin Osa­teres, 28, at Mar Trajano, 49, pawang mga resdidente ng Brgy. Quirino 2-A, Project 2 ng nasabing siyudad.

 Ayon kay Montejo, ang mga suspek ay inaresto ng kanilang mga operatiba sa aktong tinatanggap ang P6,000.00 marked money sa entrapment operation sa kahabaan ng Central Avenue, Brgy.  New Era, Quezon City bandang alas-5 ng hapon.

Ang mga suspek ay ini­reklamo ng negosyanteng si Milton Ngu, 48 anyos, ng Paco, Manila matapos itong makatanggap ng tawag sa telepono mula sa isang nagpakilalang Joel Rivera na humi­hingi ng P650,000.00 at kung hindi ay’ kikidnapin ng kanilang grupo ang nasabing target.

Dito na dumulog ang biktima sa mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Elmer Monsalve .

 Agad namang ikinasa  ng mga awtoridad ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspect.

Nabawi naman sa mga suspek ang P6,000.00 entrapment money sa nasabing  operasyon.

ROBBERY EXTORTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with