Syrian vlogger namakyaw ng N95 masks, pamamahagi sa Batangas
MANILA, Philippines – Namakyaw ng N95 mask sa Maynila ang isang Syrian vlogger para ipamahagi sa mga naapektuhan sa pagputok ng Bulkang Taal sa Batangas.
Ito ang nakasaad sa Facebook page ni Basel na The Hungry Syrian Wanderer matapos sumabog ang Bulkang Taal.
Ayon sa kanyang post daan-daang kahon ng N95 masks ang kanyang binili at nakatakda niyang dalhin sa Batangas at Tagaytay.
Sinabi ni Basel na ilang tindahan sa Metro Manila ang inikutan niya para makahanap ng N95 masks.
At nang may nakita siya, agad siyang bumili ng daan-daang kahon na may lamang 50 pirasong masks kada isang kahon.
Sinimulan ni Basel ang paghahanap ng masks sa mga hardware at sa iba’t ibang drugstore sa Pasay, Las Piñas, Parañaque at Muntinlupa.
Gabi na nang makabili ng N95 masks si Basel sa Maynila.
Maliban sa N95 masks ay bumili din si Basel ng maraming bottled water at mga diaper.
- Latest